Saturday, April 24, 2010

Ingay ng Mundo Pakinggan Mo

madalas ang mga manunulat ginaganahan kapag
heatbroken, emo, suicidal, sobrang saya, inlove, at kung anu
anu pang extremes na pakiramdam ang nararamdaman.

gusto kong maiba naman ang ambiance ng blogs, para lang
may bago sa pandinig, hindi tungkol sa puso kundi tungkol sa
paligid na ginagalawan ng bawat tao..

nakalipas ang halos tatlong linggo na hindi ako nakarasan ng
byahe ng bus patungo sa malalayong lugar at ngayon na lang
ulit napagmasdan at napakinggan ang ingay ng mundo,
marahil magtataka ang makakabasa nito, napagmamasdan
nga ba ang ingay ng mundo, subukan at alamin

anu ang itsura ng maiingay na busina sa kalsada ang mga
nagmumurahang tinero at tindera sa bangketa, ang mga
taong tumatawad upang makabili ng mas mura, ang mga
taong karipas ang takbo dahil muntik ng masagasaan, mga
sasakyang naguunahan makakuha ng pasehero at mga
sasakyang tumitigil sa quiapo para magpuno.

kung iisipin nakakaasar, nakakatawa, at nakakabaliw ang
paulit-ulit na scenario sa lansangan ay ganito. wala na bang
mas gugulo pa sa maynila?

wala na bang mas iingay pa sa mundo na pakikinggan mo?

-monmon