Saturday, January 30, 2010

Chasing Pavements

Alam mo ba ang ibig sabihin nito? ako kasalukuyan kong inaalam kung anu ang tunay na kahulugan ng expression na ito.

"Trying to achieve something that is destined to failure, usually as a result of blind hope."

Ayan ang pinakapinaniniwalaan kong kahulugan. Binase ko din ito sa kanta ni adele. kung gusto mo pakinggan ito iyon : chasing pavements

Uhuh, favorite song ko yan, hindi lang dahil maganda ang pinaparating ng kantang ito kundi dahil na din natatamaan ako. Kung baga, kung may kanta man ang buhay ko ngayon ito iyon...
"should i give up or should i just keep chasing pavements
even if it leads no way or would it be a waste
even if i knew my place, should i leave it there?"
Para kang na lost in space, hindi mo alam san ka pupunta, anung gagawin, anung susubukan. Para kang nakikipaglaban ng walang armas, nakikipaglaban ng hindi mo alam kung may ipaglalaban ka ba. Para kang maglalakbay ng hindi mo alam kung may mapupuntahan ka ba, para kang maghihintay pero di mo alam kung may magpapahintay ba. Isusuko ko na nga lang ba ang laban?, Pwede pa, kaya pa, kakayanin ko pa, may mangyayari pa? Alin nga ba?
Minsan mahirap magdesisyon, lalo na kung you're torn between what you want and what you must or should do? Hindi naman kasi, ang iniisip mo, kung anu makukuha mo sa pinili mo, syempre iisipin mo din kung anung mawawala sa papakawalan mo. Mahirap magkaregret, magsisi balang araw bakit iyon ang pinili ko. Maiisip mo yung mga prinsipyo mo sa buhay, mga pinapaniwalaan, na unti unting binabago at iniimpluwensyahan ng mga bagay bagay, alam mong tama ka, pero parang may mali, kaya maguguluhan ka. Nagmumuka kang madamot, pero kung tutuusin alam mo sa sarili mo na wala ka ng binibigay sa sarili mo. Alin nga ba?
Sabi nga nila bat mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa isang punong elevator. pero paulit ulit din ang sagot ko sa kanila, malay mo, may magbigay ng pwesto, o kaya may bumaba, o baka pwede pa akong sumiksik talaga..
-E

No comments:

Post a Comment