dahil di ako makatulog, naisipan kong dagdagan ang post dito. (nakakadalawa ka na pala ken)
at dahil sa ang gumugulo sa isipan ko kahit san ako tumingin eh ang tungkol sa effort, ito na lang ang topic. hahaha.
marami kasing klase ng effort, at magbabanggit ako ng ilan..:
1. tamang effort = ito yung effort na, para magawa mo lang yung part mo... hindi man, ganun kabongga, pero andun yung pagkukusa.
2. effort sa pagiisip = iniisip mo kung anu yung pwedeng gawin, yun nga lang, hindi kasama and gawa dun.
3. super effort = eto yung, bongang bonga gumagawa ng effort, yung tipong hindi ka pa makuntento sa ginawa mo at gagawa ka pa ng kung anu ano.
4. walang effort = deadma lang.
5. more effort = may effort, pero kelangan maglabas pa ng kaunti pang pageeffort (anu daw?hahah)
at madami pang ibang effort na maiisip mo...
sa lahat ng bagay sa mundo, kelangan ng effort, tulad na lang sa pagaaral, sa pagtratrabaho, sa pagbubuhat, sa paglilinis o pagaayos ng bahay, sa lahat ng ginagawa mo, o gamitin natin ng OT terms, sa lahat ng daily activities mo, or occupation ng tao kailangan ng effort. At syempre di pahuhuli ang sa friendship at sa love.
Kung tutuusin, di naman magkalayo ang effort sa friendship at love, in terms of friendship, syempre gagawa ka ng paraan para magstay yung friend mo, at ganun din sa love. sa friendship, gagawa ka ng effort para magkaintindihan kayo ng friend mo, magandang communication ika nga at ganun din sa love, sa friendship gagawa ka ng effort para sa mga pagliliwaliw niyo para masaya, ganun din sa love pagmagdedate. oh dba? magkadugtong naman yan, nagsisimula naman muna kasi sa friendship tpos chuvachuchu na kung merong spark. yun nga lang, nagkakaroon na ng kaibahan paglumalim ang love. kasi nagkakaroon ng demands plus expectations. siguro nagegets mo na ang ibig kong sabihin. change topic na..
tungkol pa din sympre sa effort, sino ba dapat ang mas nagbibigay nito.. sympre kung sino ang nanunuyo, normal lang yun, at normal lang din yung human nature na, may mas nageefort talga sa inyong dalwa. At kung ikaw yung nanunuyo, dapat lang na magbigay ka ng more effort para makuha mo ang yung inaasam asam. anu ba ang inaasahan mo, kusa mong makukuha ang bagay na yun. ganun lang kasimple yun. kalimutan ang hiya, kalimutan ang takot, walang masama kung mageeffort ka, dahil dun mo makukuha ang sagot.. :)
-en
Monday, January 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment