Monday, January 18, 2010

pagsayaw sa tugtugin

bigla ko lang naisip ang salitang pagsaliw sa musika, hindi ko maalala kung saan ko to narinig pero isa lang ang naisip ko, ang pagsasayaw kasabay ng musika ay parang pagmamahal,

minsan mabagal, sobrang bagal, yung tipong nakakaantok, nakakatamad, nakakasawa. yun tipong ayaw mo ng ulitin sa sobrang bagal...parang kikain ng panahon ang pagmamahal, madaling mawala, madaling maumay.

minsan naman sobrang bilis, yun tipong sa una makakasabay ka pa mapapasayaw ka pa, masaya din, pero sa bandang huli magulo na, mahirap sabayan, at magulo na. nakakapagod. ang pagmamahal na minadali ng panahon, hindi masyadong pinag-isipan, hindi masyadong pinaghandaan, parang nabigla lang kaya nangyari.

at ang huli, yung saktong timpla lang, yun tipong huumihinto ang mundo pag kasama mo ang taong mahal mo, parang musika na malambing, masarap magrelax pag nakikinig ng mabagal, lalo na kung ang tugtog eh yung kanta niyo pa, parang ang sarap ulit-ulitin, mabagal. mahinahon.pero masaya.magaan sa pakiramdam. marahil karamihan sa atin naranasan na to.

alin ang kanta mo?alin ka dito?

hindi naman depende sa tugutugin, depende yun sa iyo, kung paano ka magmahal. kung pano ka matututong sumayaw kasama ang taong mahal mo sa kahit na anung musika ang ihain.

-m (bes en pasingit)

No comments:

Post a Comment