Sana ang puso ay isang memory card, kung gusto mong lagyan ng laman *taran* andyan na.. macocntrol mo pa kung anong size, pwede kang magdelete kung puno na, pwede mong iedit, at pwedeng mong ireformat para burado ang lahat, kung magkaroon man ng virus eh kayang kaya mong tapatan ng anti virus software, click dito click dun ok na.. pero hindi ganun eh... ang puso kasi madalas, pagnagmahal, di inaasahan, asahan mo man, di mo naman macontrol, controlin mo man dun din ang kababagsakan. madalas hindi natuturuan, maturuan mo man hindi ganun kalalim, lumalim man, may posibilidad ding mawala o maghanap ng iba. samahan pa natin ng utak, kahit anung idikta at isipin ni utak madalas ang puso pa din ang nananalo, nabrebrain wash kung baga, dahil na rin siguro ng spoiler na si hypothalamus na siyang nagbibigay pa ng matitinding emotion...
oh well, yan ang point of view ko sa ngayon..
kung ang pusong nagmamahal ay isang memory card, namemeet siguro ang mga demands, nahahack mo ang ibang memory card, walang masasaktan, kasi lahat pwedeng magawan ng paraan sa isang click lang. pero hindi tlga...
kahit pala ganu ka kabuti, ka dedicated kahit ganu ka nageeffort sa pagmamahal sa isang tao, kung hindi yun ang nararamdaman niya para sayo, walang ubra pa din.. hindi mo makukuha ang kanyang puso... meron talagang mas nagmamahal, mas nagsasakripisyo at dahil dun sya ding mas masasaktan sa huli.. at kelangan mo na lang tanggapin ang realidad na iyon. mahirap man pero makakayanan din sa pagdaan ng mga araw, linggo, buwan at taon....at minsan kailangan mong maging okay, ipakita sa ibang okay ka para wala ka ng madamay sa pagkapalpak mo...
-en
Monday, January 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment