Friday, January 29, 2010

FRIEND OF MINE

background song

Maganda ang magkaroon ng strong foundation of friendship. Pero paano kung nagkaroon ng spark? ok sana kung parehas kayong dalawa sa parehong pagkakataon, eh ang madalas hindi. May nauuna, at pwedeng ikaw lang talaga.
Isang kanta, tungkol sa isang tao, na minamahal ang kanyang kaibigan. Naranasan ko ng mapunta sa ganitong sitwasyon. Mahirap talaga, kasi malaki ang isasacrifice mo at sinasakripisyo mo on the process. Para kang naglalaro ng chess, wrong move and you lose. Kaya, dapat pinagiisipang mabuti... Ok lang mag-hope pero dapat walang expectation, at ready ka magsakripisyo dahil magtetake ka talaga ng risk.
Bakit nga ba ang friends minsan di pwede maging lovers:
Isang tanong na hinahanapan ko din ng kasagutan, madami kasing contibuting factors eh. At madalas, iniisip mo kagad, bakit kaya di pwede.. pero dapat ang sinasagot muna eh, handa ba ako.. kaya ko bang makipag commitment. Pagsinabi kasing commitment, hindi siya katulad ng promise na pwede mong ibreak basta basta, ibig sabihin kasi ng commitment, eh tinatanggap mo yung responsibilities mo, na idededicate mo yung sarili mo, no buts, no excuses, no promises. Sa madaling salita, no matter what, handa mong panindigan, at dalhin yung magiging relationship. Kahit man lang, yung magkaroon ng lakas ng loob na sa tingin mo, at para sa iyo kakayanin mo talaga. Kasi kung hindi mo pa talaga alam, hindi magiging stable ang relationship niong dalawa sa kahit anung paraan, kung ikaw mismo hindi ka desidido sa kung anu man. At kung nakalampas ka sa part na ito, dun mo tanungin bakit hindi pwede?

bakit nga ba humihindi ang isang tao pagdating sa susunod na level..
posibleng di pa din nia kasi masagot ang una dapat na inaassess. na kailangan pang maggrow individually. posible ding, hindi niya kasi alam kung anu kayo, o hindi niya maramdaman yung sureness pagmagkasama kayo. posible ding, natatabunan ka ng ibang tao kaya ganun, o pwede ding dapat mas lumalim pa muna ang friendship and from there ull see what will happen. pwede ding, not now.. at pwde ding masyado kasing kumplikado.

tapos pagkatapos mong pagisipan yun, at iparanoid mo ang sarili mo, bumalik ka ulit sa sarili, tanungin mo, ginagawa ko ba ng tama ang part ko? pinaninidigan ko ba na mahal ko siya or gusto ko siya? kasi kung pinapanindigan mo, gagawin mo ang lahat para mahalin ka din niya. well at least uv tried. pero kung hindi, yun ang sagot dun. ibig sabihin may problema din sayo mismo. at hindi lang natatapos dun yun, dahil nga, kaya mong controlin ang mga bagay na kaya mong gawin.

nasabi ko ang mga ito based from experience. masayang magmahal, masakit magmahal. madalas, there's no easy way. nakakapanlumo talaga pag di ka magawang gustuhin ng mahal mo, pero wala kang magagawa dun dahil hindi mo kontrolado ang nararamdaman nila, ang magagwa mo lang eh gumawa ng bagay bagay para makuha ang loob nila. at kung hindi kaya well at least, maging best of friends kayo. wala namang loser pagdating dun :)

bobo pa din ako tungkol sa love, kahit madami ka ng napagdaanan, at natuto ka, nakakabobo pa din. kaya ang magandang gawin, magisip, pero wag masyado. kumplikado na ang pinagdadaanan, wag ng gawing mas kumplikado.

Magiging ok din ang lahat, pag ok ka na.. well at least save the friendship pagkaya...
-E

No comments:

Post a Comment