Minsan naisip ko, dadating kaya yung panahon na magiiba ang ikot ang mundo, kung sino ung dating humahabol ay siya namang hahabulin, kung sino ang umiiyak ay siya namang iiyakan, kung sino ang mas kumakapit ay siya namang kakapitan. Minsan naisip ko, bakit kaya may mas madaling magpalaya, at bakit sa kabilang parte ay bakit may mas nahihirapang bumitaw na lang... Ang pride nga ba ang isa sa mga dahilan o sadyang tanga lang ang nagpapakababa. Mas matalino o sabihin na nating nagiisip ang mga taong kaya at piniling magsolo, o mas marunong magpahalaga lang ang mga taong halos lumuhod sa harapan ng minamahal nila para lang manatili sila. Open minded nga lang ba sila kaya nila nasasabing madami pa diyang iba, o close minded naman ang kabila kaya nasasabi nilang ikaw lang at wala ng iba.
O sadyang ayaw mo na talaga kaya ka umaatras, at sadyang natatakot ka lang magisa kaya ka pumupulupot???
-E
Saturday, January 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment