"What if ganito, what if ganyan..."
yan ang masasagot ko sa last blog ni "K". :)
May tinatawag kasi tayong what ifs eh, kaya kahit na sabihing past is past, bumabalik ka pa din. tyka tama, kung walang past, walang present at future. Kung baga, bago matuldukan ang past, kailangan ng kasagutan. At sa dalawang paraan mo lang naman masasagot iyon, una: bumalik ka sa past o pangalawa: hanapin mo ang sagot sa present at syempre wag na natin sanang isama ang future, kundi never ka ng matatahimik. Di ka na makakausad.
Marami kasing dahilan ang pagbabalik tanaw mo sa nakaraan, pwedeng mga tanong na hindi nasagot, pwedeng hindi ka makalaya sa nakaraan, pwede ring naiinsecure ka sa past kasi ikaw ang present, pwede ring may nangyari sa present na nangyari din sa past, na may natutunan ka sa present na binigyang kasagutan bat ganun ang nangyari sa past, pwedeng namimiss mo din ang past kaya ganun, kung baga may hinahanap hanap ka at marami pang ibang dahilan. Kaya nga dapat, wala kang pinapalagpas na pagkakataon para walang regret. Para tuloy tuloy ang pagusad mo, kahit bumalik man ang iyong tanaw. Dapat maging sigurado ka din sa ginagawa mo, o kaya di ka man sigurado yung tipong wala kang pagsisisihan sa gagawin mo. Kung may gusto ka, o may ginawa ka panindigan mo. Marami kasing pwedeng mangyari, Maraming pwedeng magbago, at ang kaya mo lang controlin eh yung mga bagay na kaya mo. :)
-E
Thursday, January 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment